“I hope someday… makita mo rin ang para sa’yo. Sana nga ngayon na para naman—” naputol ang sasabihin ko nang paikutin niya ako. Tinwirl niya ako at muling ibinalik sa mga braso niya.
“Nakita ko na siya.” Nakatitig siya sa mga mata ko. “At masaya na ako na malaman na magiging masaya na siya.. kahit sa piling ng iba.”
Hindi ako makapag salita. May humaharang sa lalamunan ko.
“Tis better to have loved and lost than to not have loved at all.” mahinang bigkas niya. “by Alfred, Lord Tennyson. Ang paborito kong quote simula ng mawala ka sakin.”
“Hindi ako nawala Jared. Nandito lang ako.”
“Hindi pisikal Samantha.” bigay diin niya at umiling. “Hindi kita maabot.”
My first ever story! Mind to support? :)
Wattpad nalang ang nagpapakilig sa akin.